allfeeds.ai

 

Think About It by Ted Failon  

Think About It by Ted Failon

Author: 105.9 True FM

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Be a guest on this podcast

Language: tl

Genres: News

Contact email: Get it

Feed URL: Get it

iTunes ID: Get it


Get all podcast data

Listen Now...

‘Sasabog na: Poot ng bayan!’ (Aired October 30, 2025)
Thursday, 30 October, 2025

Malinaw na isinasaad sa ating Konstitusyon na ang mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay hindi dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di-tuwiran sa ano mang kontrata na ipinagkaloob ng pamahalaan, sa loob ng taning ng panahon ng kanyang panunungkulan. Ngunit sa investigative reports ng media tulad ng online news website na Rappler, lumilitaw ang katotohanan na sa maraming lalawigan lalo na kung saan naghahari ang mga dinastiya, talamak ang pagkopo ng mga kontrata sa DPWH ng mga construction company na pag-aari mismo ng nakaupong politiko, o di kaya ay ng kanilang pamilya. Nangyayari ito na para bagang walang umiiral na mga batas; na para bagang wala na silang takot sa pananagutan. Gaya na lamang ng pinangalanang mga proponent o mambabatas na nakikipagsabwatan para pagnakawan ng pera ang bayan—ni isa sa kanila ay walang umaamin. Nagpapagal sa trabaho ang mga pangkaraniwang Pilipino, habang nag-aawak-awak ang kwarta na ninanakaw ng mga mandarambong na siya rin nilang ginagamit para ipagtanggol ang kanilang sarili upang makalusot sa mga kaso at patuloy na makaupo sa puwesto ng kapangyarihan. Halos isandaang araw na magmula ng sabihin ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA na pananagutin ang mga nagsasabwatan sa kickback pero hanggang ngayon, ni isa sa mga kawatan ay wala man lang nababasahan ng sakdal. Parang kulang pa ang muhi na ipinapakita ng mga mamamayan. Pahinog na ang panahon. At ang sukdulang poot ng bayan ay maaari nang sumabog. Think about it.

 

We also recommend:


Le Journal horaire RTS Première

Mary Griffith Show
STARadio

HD meneameland
meneameland

MarketWatch News Break
MarketWatch.com

The Side Project Freecast
Side Project Freecast

Life Talk
,

Feet In 2 Worlds
Feet in 2 Worlds

thomas m wilson

Arquivo para a categoria TargetHD Podcast | TargetHD.net

The Tom Gulley Show Podcast!
Tom Gulley

Clippet News digest
Clippet News LTD

_