![]() |
Tagalog Spoken PoetryAuthor: Riels brainfart @ Tiktok and Instagram
Tagalog spoken words made by Riel Language: en Genres: Personal Journals, Society & Culture Contact email: Get it Feed URL: Get it iTunes ID: Get it |
Listen Now...
Minahal para palayain
Tuesday, 30 September, 2025
Ngayon alam ko naAlam ko na hindi lahat ng bagay ay mananatili at magtatagalHindi lahat ay maari kong ikipkip sa aking mga palad para ipag damot sa mundoDahil ang iba ay dumating lang para dumaanDumaan para magbigay ng konting saya, ng konting kilig, ng konting dilig sa buhay mong pakiramdam mo’y nanuyot naDumaan para mag silbing alalay sa mga panahon na ayaw mo naDumaan para bigyan ka ng pag-asa na maniwala muli na pwede paPwede kang mag mahal uliYun nga lang, dumating lang sila para dumaanKung kayat kahit gaano man kahigpit ang iyong mga hawakAy walang tamang timpla ng halik o yakapAng makakapigil sa mga yapak na papalayo lagi ang tapakPero bakit?Bakit pa sila dumating para lang dumaan?Bakit pa sila nagpakilala kung kakalimutan lamang?Bakit?Marahil, siguro, para doon lang silaSa mga sandali, saglit, at pansamantalaPara sa mga iilang kabanataPara sa iilang pahinaHanggang doon lamang silaNgunit gayunpamanAy masaya akoDahil ngayon ay alam ko na..Alam ko na na may dumating lang para dumaanDumaan hindi para ikipkip sa aking palad at ipagdamot sa mundoDahil dumaan sila para mahalin koMahalin ng pansamantalaAt palayain ng pang matagalanMusic: Bensound.com/free-music-for-videosLicense code: LLPR18QB3CQ94PRRArtist: : Benjamin Tissot






